Ang Mesopotamia ("ang Lupain sa pagitan ng mga Ilog"), ay isang lugar saTimog-Kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang kapatagang alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng Tigris at Euphrates, binubuo ng mga bahagi ng Iraq at Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at timog, ang Gulpo Persiko sa timog-silangan, ang mga bundok ng Zagros sa silangan.Dahil sa matabang lupa at mainam na tubig mula sa ilog , bahagi ang mesopotamia sa tinatawag na ''Fertile Cresent''
Ang ''cuneiform''ay isang paraan ng pagsusulat ng mga sumerian na ginagamitan ng stylus. Nagmula sa Latin word na cunneus.Isinusulat ito sa tableta na basa pa para madali lang isulat at itinutuyo sa araw para tumigas
Ziggurat ay isang templo na gawa sa laryo at natatanging hakbang-hakbang na mga templong-toreng kahawig ng mga tagilo o piramide.Isa rin ito sa mga pruweba na malikhain ang mga Sumeryo.
Ang Sumerya("lupain ng mga sibilisadong hari")ay isang sinaunang kabihasnan at historikal na rehiyon sa Mesopotamia sa modernong Iraq noong mga panahong Chalcolithic at maagang panahong Tanso
Ang Mga Unang Imperyo
Ang Akkadian ay isang imperyo na naka sento sa Akkad at sa nakapaligid na rehiyon sa sinaunang Mesopotamia na nagpaisa ng lahat ng mga nagsasalita ng katutubong Akkadian na mga Semita at mga nagsasalitang Sumerian sa ilalim ng isang pamamahala.Nagtagal ng 200 na taon. Assyrian - (850-650 BCE) Nasakop ng mga Assyrian ang mga lupain ng Mesopotamia.Isinaayos nila anf kanilang nasasakupan.Ginawa nilang lalawigan ang mga lupaing malapit sa Assyria.
Babylonian(2000BCE)- May panibago na naman ang sumakop sa mesopotamya .Nakamit nila ang rurok ng kapangyarihan nung namuno c Hammurabi,pero nabuwag ang imperyo noong nanakop ang mga pastoralistang nomadiko.
Chaldean-Nung natalao ang assyrian,itinatag ng mga chaldean ang kanilang kabisera sa lungsod ng babylon.Dahil dun ay naging sentro ulit ang babylon.